banner

Monday, May 26, 2008

I never realized a had a great guy in my life......

natatawa ako sa mga taong sobrang patay na patay sa mga boyfriends nila...

i have a couple of friends na kulang nalang magpatattoo sa noo nila ng pangalan ng mga syuting nila (or ung tawagan nila, like babes, honey, mine, mahal)

yung friendster nila, talagang kuntodo shout out ng i love you + FULL NAME ng bf's nila... yung multiply site nila, super tadtad ng pangalan at photos ng mga BF nila... at nako! nakacalendar ang mga monthsary! meron pa nga, nagGGM.. hi guys, textex tau!
sabay banat "i miss my mhine.." ano ba yan! parang highschool!

ang pinakamalufet don... after several months..... BREAK UP na ito. haha.. pero so far, ung mga friends kong die hard sa mga shuting nila, sila parin naman.....

hindi ako naiinggit. why wud i be? i have a great guy in my life.

ngayon, or sa ngayon, bagong buhay na ako. hehe
good girl na ito. narealize ko kasi, may Adrian pala ako. ive neglected him for more than a year....

turning point? nung nagkasakit siya. sabi nia, "wala na kasing nag-aalaga sakin eh... wala nang nagtetex sakin na kumain na ako, na wag magpapatuyo ng pawis, na umuwi ng maaga...."

shit. while im busy with my thesis, with my friends, with my party life and busy updating my multiply, andon ang BF ko at nagkakasakit na.

shit. tama na diane. alagaan mo naman BF mo, sobra mo nang winalangya yang BF mo eh....

nung major away namin, sbi nia, sinisira ko na daw relationship namin. sa mga ginagawa ko daw, pinapahiwatig ko na daw na ayaw ko na.. sige daw, sobra na daw ako.

shit. flashback lahat ng kasalanan ko.

how could i do those shits to this great guy??

ngayon, bawi na talaga....


naiisip ko na never niya ako pinauwi mag-isa.. lagi niya ako hinahatid.... kahit saan ako magpasama sa kanya, sinasamahan niya ako....
yan bang boyfriend nio, kaya kayong samahan sa Baclaran at Divisoria, nanlalagkit at pawisan, taga buhat ng sandamukal na pinamili mong bargain na damit, fake na bags at kung ano ano pang gamit? BOYFRIEND KO GINAWA NA YON.

yang bang boyfriend mo kahit muramurahin mo sa harap ng ibang tao at kahit sa pamilya mo, mahal ka parin ba nian? BOYFRIEND ko mahal parin ako.

yan bang boyfriend mo hahalikan ka sa lips kahit may panis na laway ka? kahiya man, Adrian kissed me nung pumunta siya ng kagigising ko palang.

pagumutot ka ba sa harap ng boyfriend mo, mahihiya ka ba?
ako hindi, kasi the best boyfriend ko!

kaya mo ba mangulangot sa harap ng BF mo?
ako kaya ko! kasi best boyfriend ko!

grabeh! sobrang solid pala talaga ni Adrian, hindi siya katulad ng iba. hindi maluho, simple, pero siya ang dream guy ko, matangkad at chinito at sobrang BAIT. medyo may financial problem lang at bulol, pero pero na yon, sobrang mahal naman ako.


imagine, ang taba-taba ko na, pero walang nagbago sa kanya, kung paano nia ako tignan noon, ganoon parin siya ngayon (yung malagkit na pagtitinginan! hehe)


nung saturday, imagine ganito ginawa niya, from Imus Cavite, pasok siya sa work sa Boni. Tapos may trabaho siya sa Batangas, punta sila don ng boss niya. After non, balik siya sa office sa Boni, then punta siya sa house ng tita ko. fiesta kasi don. late na kami umuwi non, pero dahil nagpromise siya sa mga pinsan ko na magjogging kami tomorrow, 6am sharp, nasa bahay na namin siya! grabeh! talk about being wasted for your loved one!

sobrang swerte ko talaga kay Adrian. we had a blast (sa sementeryo ulet nagjogging!) usap kami after we jog at ang saya, may naglalako ng lugaw at taho!!!



whoooooooo sarap kumain after magjogging! hehehe..sayang di ko napicturan si Adtian nung nagjojogging siya.. ang hot kasi ng BF ko.. ang laki ng pwet! hehehe naka jershey pa siya na green, tas 11 yung number (number namin un!)

first time namin to magjogging together, madami parin kaming di nagagawa together... like magbasketball together....at ano pa ba.. basta madami pang mga activities... manuod ng PBA.. magdate sa Luneta... at nako, binaklas na at lahat ang Baywalk, di man lang kami nakapag-date don! hahaha! di parin kami nakakasakay ng bangka at di pa kami nakakaligo sa ulan together... ilan lang yan sa mga TO DO list namin ng DARLING ko... hehehe...



on to the five more years together!
i love you!

0 Comments:

Post a Comment