Friday, August 15, 2008
Galing akong printing press sa Pedro Gil kahapon nang biglang nag-bowling sina San Pedro at naihi... lakas kulog at kidlat at ng ulan! gaddemit! pero grabe, kahit magisa ako kahapon at feeling emo, na-enjoy ko ang moment habang nakikipagpatintero ako sa mga amoeba at kung ano-ano pang microorganisms sa Taft. Oo, lumusong ako sa baha. mga 4 inches below the knee (naks parang skirt lang ah?)
So anong mga eksena ang nasaksihan ko kahapon sa Taft habang umuulan?
Una. BUMAHA. what's new?
Ikalawa. Mapipilitan kang sumakay sa mga pedicab para lang itawid ka sa kalye dahil nga ayaw mo lumusong sa baha. Fee=P5.
Ikatlo. Kung naka-havaiannas ka naman (ahem) at willing lumusong sa baha, get ready na make tiklop your skinny jeans then hug your bags tightly para naman comfy kayo sa ilalim ng Umbrella--ella--ella---ey.. ey...
Ikaapat. Sumabay sa nakatatanda para mailibre ng pamasahe sa pedicab at jeep. well this goes out to me when ate cindy from Ample Press paid for me! wahaha..
Ikalima. makakakita ng mga Kolehiyala na naka-stilleto at may phobia sa microorganisms ng baha na stuck sa isang area at nagiging malaking bara sa mga taong gustong dumaan...
"Oh my gosh, how would we pass ba?"
"i dont know nga eh..."
"Excuse me, excuse me lang po..." -bypassers
"Grabe naman sina manong, the ulan is so lakas na nga eh..."
"Oh, tabi-tabi muna, dadaan ang mga Miss..." -pedicab driver
"Kuya hold on, wait lang tlaga.. promise...."
(Eksena ng 3 Paulinian na ayaw lumusong)
Ikaanim. Magsusulputan ang mga mandurukot at snatchers. Modus, habang natataranta ang mga chikababes na walang payong.. hayon at makikisabay sayo sa isang crowded area... ayon nga at may nasaksihan ako, 2 pa silang magbarkada.. how could they be soo tanga not to feel that pickpockets hands on their bags... tinitigan ko nga yung mandurukot.. babaeng mukhang barket at ang themesong yata eh "Basang-basa sa Ulan" by Aegis.
Natakot din ako, pano kung sugurin ako tas kung ano gawin sakin... nung nakita niya ako, lumayo na siya dun sa girls. then nilapitan ko sila, sabi ko, "Ms. dinudukutan kayong dalawa.. yung babae nakapasok yung kamay sa bag niyo eh...."
Hayy buhay.
Ikapito. Makakakita ng isang ulupong ng barkadang iskwater ang ugali. like yung nakasabay ko tumawid, siguro from PCU un, nakagreen light.. shempre ako nakisabay madami naman kasi eh, syempre bubusina yung sasakyan, magsusumigaw ba naman yung babae ng "Tangina mo manong, gusto mo ba ako mamatay?"
gusto kong sumigaw, "tangina mo pala eh, ikaw pa maangas eh pwede ka nga sagasaan niyan, green light kaya, tungaw!"
pasalamat ka baha at busy ako sa pakikipagpatintero sa mga amoeba ng taft.
Ikawalo. magkakaroon ka ng unforgettable rainy moment. yung akin, kasalukuyan akong tumatawid sa Pedro Gil at nang makakita ng bus, dali-dali akong sumakay, Dahil love na ako ng mga amoeba, hinawakan nila ng malufet ang Havs ko.. ampotah, pagsakay ko nahulog yung tsinelas ko!! waaa... buti lumutang....
kaso lumalangoy na papalayo... imagine nasa gitna ako ng Pedro Gil!
Bumaba ako sa bus para habulin tsinelas ko, huhuhuh.. buti hindi ako nasagasaan...
tas pagsakay mo pa, ikaw lang nakatayo. GADDEMIT. buti nalang mukha akong basang sisiw (or biik) kaya may nagpaupo sakin. salamat po.
****
yan lang naman ang mga eksena sa TAft kapag umuulan, kayo, anong mga eksena ang tumatak sa isip niyo pag naulan sa Maynila??