Wednesday, July 2, 2008
I did not see this coming, really.... OUCH!
(//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 3:05 PM
i did not see this coming, really.
okay, so Adrian and I already broke up. But he still have the hopes that all these mess ive created are just part of one diabolical plan of playing a big fat prank on him... i was hoping it was all just a prank.
but its not.
parang gusto niya siguro, isigaw ko, "NAYARI ka!" ala Bitoy, a few seconds after i told him "Split na talaga tayo...."
pero ewan ko ba... gusto ko sha balikan.... ewan ko kung guilty feeling lang dahil nga nagkaroon ako ng number 2... tas parang clueless sha bakit ko siya iniwan sa ere dahil wala naman shang ginawa (at that moment) na masama sakin...
my concern was, im too tired of living a lie. too many sleepless nights, now i made up my own mind, im sorry to say baby, im walking away...
uyy... tama craig david un.. pero back to serious mode..
sabi ko pagod na akong mamuhay sa kasinungalingan...sobrang dami nang lies ang ginawa ko sa kanya.. hindi nia alam na nagchachat ako, di nia alam na gumigimik ako di nia alam may ibang guys ako (im a biatch all right.. so just shut the hell up....)
pagod na ako.. lamat na lamat na relationship namin, at ako may kagagawan non. sabi ng iba di daw nila ako masisisi, pano ba naman, di ko naenjoy ang makipag-mingle or even be friends with guys... dahil sa murang edad na daisy sais.. ako'y nakipagsteady sa bf ko... at super sakal talaga... ultimo pananamit and how to live my life pinakialaman nia.. or lets say, binago ko for him....
pero di un ang point, sabi ko, gusto ko nang aminin lahat sa kanya, kasi nahihirapan ako.. parang di ko kayang magmahal ng iba knowing ive done him wrong and i caused him na walang dahilan...
kaso, naisip ko, gusto ko sha balikan, at magsimula ng bagong relationship with him.. something na wala na talagang lies.. on my part.. for i believe na honest and loyal talaga sha sakin...
pero aaminin ko na lahat...kaso, malamang wala nang balikan to...dahil di na nia ako matatanggap after ng revelation ko sa kanya....
hindi ko nireveal. nahulaan niya. ayoko nang pahabain pa. inamin ko narin, sabay dugtong, "kalimutan mo nalang din ako..........."
at anong sinabi nia?
eto na yung part na di ko nakitang paparating...
"actually, ako din, nagkaroon ng iba last year...."
ayoko nang idivulge lahat ng detalye,,, pero kung hanggang saan ka dadalhin ng imahinasyon mo sa extent ng revelation nia sakin, pwes un nga un!
oo inamin narin niya. so inamin ko narin. nag-aminan kaming dalawa kung gaano kami ka-mortal na nadadarang at natutukso rin... (hiram)
tangina. malala ung akin, malala din ung kanya, magkaibang aspeto kami ng atraso sa isa't isa..
pero after namin magtapat sa isat-isa... para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.. nakakalunok na ako ng maayos...ganon din siya.. so sabi ko, pano, split na?
maaliwalas naman niyang sinagot, oo sige split na. sabay bulong ang landi ko daw talaga.
akala ko tanggap na niya ako. nagfavor ba siya sakin na, iemail ko daw ulit ung resume niya. so decided na ako... kinausap ko narin si jed at naintindihan naman niya ako, na si Adrian parin ang number 1 sa puso ko...
and i did not see this coming, again. grabeh ung laman ng email nia sakin! ayoko nalang ulit idivulge dito sa blog pero nako naman?!!
akala ko ba ok na tayo?
well, gago talaga ako, how could i make myself believe that everything will work out and everything will turn out fine? im soo stupid for doing so. galit na galit siya sakin sa mail nia.
gusto ko na shang bumalik sakin! pero ayaw na nia.. putangina, break up period ba talaga ito? huhuhu...
pero right now, usapan, maguusap kami kung anong siste ng buhay namin.. mahal ko siya, mahal niya ako, bakit kelangan pa namin pahirapan sarili namin, dahil may nagawa kaming mali sa isat-isa?
kasalanan ko, oo. pero kahit ano pa man, di ko alam, siya parin ang number 1 eh. walang tatalo.
salamat sa mga taong naniwala sa relationship namin, maraming nagulat, maraming natuwa, pero most of all, maraming nagsabing isave mo hindi dahil sayang ang 5 years, kundi dahil alam nilang "may something" (as to quote my friend) kaming 2.. ung something na yon, it will go a long way.. at alam niyang kami talaga in the end. salamat muli kaibigan.
at ang pinakakaibigan ko, gran matador at yosi. salamat sa panandaliang pagtulong mong makalimutan ko ang mga problema.