banner

Wednesday, June 25, 2008

Nahulog Helmet at Naumpog sa Katotohanan sa ANG BAGONG DAAN!

Ilang weeks na akong hindi nagbblog... kating-kati na ako magblog pero pinigilan ko sarili ko.. sabi ko, i have to finish editing articles first for The Scholastican (TS) para naman mai-layout na. its already July at hindi pa kami nakakapaglabas ng first issue.. pero okay parin dahil usually, august or september and first ish eh.

so ngayon, tapos na lahat ng trabaho ko. dapat, punta ako school para upuan ang lay-out artist, pero busy si Ryan, kaya bukas nalang daw... hmmmm...so ano pang pwede kong gawin? malamang mag-update ng blog!

so anong sinusuggest ng title ng blog ko na to? nope, hindi ako sumakay ng scooter at nahulog at naumpog at nagka-amnesia... panandalian kong nakalimutan ang mag-blog pero ang pinaka-nangyari... nagising na ako sa katotohanan.

NA HINDI KO NA KAYANG IPAGPATULOY ANG RELATIONSHIP NAMIN NI ADRIAN.

OO, BREAK NA KMI. NUNG june11 PA.

monthsary namin, nagsimba kaming dalawa sa Baclaran at nag-novena kami. specifically, eto dinasal ko:

Temptation

Mary, my Mother, your love for us could not be greater or more powerful. You are rich in love and your power brings us relief. You want everyone to be saved. I beg you therefore, protect me in temptation and strengthen me when I weaken. I struggle daily to be faithful to Jesus your son. Help me my Mother at every moment. But above all take me by the hand when you see that I am weakening and about to fall. I will have to battle with temptation till the day I die. My Lady, you are my hope, my refuge, my strength; never let me lose the grace of God. In every temptation I resolve to turn to you at once and pray: Mary help me. (St. Alphonsus)

***

sus, andrama ko.. feeling ko naman may temptation. pero meron nga siguro. at bumigay ako sa temptation, nahulog ako sa bitag. pero dinasal ko rin kay Mother of Perpetual Help na ituro sakin ang tamang daan... alam mo yun, darating ka sa point na may dalawang sumanga na daan... hindi mo alam ano pipiliin mo?

dun ka ba sa daang 5 years mo nang tinatahak. mabait sau, loyal, seryoso. pero hindi ka na masaya? madaming problema, madaming lubak, maraming humps at nagkalat ang tae sa kalsadang un. ang masaklap, laging walk the hard way.. walang dumadaan na sasakyan, lakad ka lagi. pahirap, puro kalyo na paa mo. pero pag dating mo sa dulo, sige masaya ka, pero, men, yung tinahak mo, kalbaryo.

o dito ka sa bagong ginagawang daan. Hmmmm.. maganda ang pundasyon, matibay.. nagsimula kayong magkaibigan... alam mo mga problema nia, alam nia problema mo.. di lang niya binubuksan ang daanan niya sayo kasi alam ayaw nia makapanira ng isang relasyon. pero nung sinabi mo na, finally, sa kanya kung bakit sugat-sugat paa mo, at bakit puro kalyo... narealize niya, shit, kelangan padaanin ko si Diane dito. its about time na maglakad siya ng masaya. Magagamit nia yung Mazda3 niya sa kalye ko. may konting lubak, pero di bako-bako, malinis at walang tae. madami pang nakatanim na puno, kaya mejo mahangin at wala masyadong pulusyon.

sabi ni Diane, hindi okay lang, maglalakad nalang ako, tutal sanay naman akong maglakad eh. sabi naman niya, hindi pwede sakin yan, lahat ng nakasanayan mo, magiiba na yan, bubuhatin kita sa landas na gusto mong puntahan. i-enjoy natin ang bawat sandaling naglalakad tayo, magkahawak kamay at nagkkwntuhan ng buhay-buhay.

so isang araw, sabi ko, sige, masubukan ngang daanan tong bagong kalye nato. at pucha! di ko mawari ang kasiyahan ko! saka di masakit sa paa infernez! nung narating ko na yung dulo, naguluhan ako bigla.

di ako sanay sa ibang kalye... pero sabi nung bagong kalye, bigyan ko siya ng chance..

sa totoo lang.. ang lamang lang ng bagong kalye sa lumang kalye, panahon. kasi 5 years na akong dumadaan sa kalyeng luma eh etong kalyeng bago, saglit palang.

nung tinanong ko sa mga tao sa paligid ko, sagot nila...

"sigurado ka? pano na si Ad? Di ka ba naawa kay Ad?"

eh pano naman si Diane, na 5 years nang di masaya? pano kung awa nalang nararamdaman ko, ok lang ba yun? kahit di mo na mahal, basta naawa ka nalang?

hirap din kasi sakin, masyado kong inispoiled si Adrian. Ngayon tanong mo sa knya, kaya nya bang wala ako?

ayokong magmalaki sa inyo, dear readers. hindi ako kagandahan, lalong di kaseksihan, pero may utak naman ako! na matagal ko nang di ginamit, specifically 5 years syang naghibernate..

ngayon, sabi nga nila, naumpog na daw siguro ako... nakakatawa pero nakakalungkot din. madami na rin kasing involve.. like yung mga family namin. di ko alam pano ko sasabihin sa mga kamag-anak kong ang lalaking every week kong dinadala sa reunion namin, wala na sa buhay ko.

sinabi ko na sa mama ko, at suportado naman ako ni Mama. Palibhasa proud siya na Im capable of making such sound judgements, dahil ang memory niya lang sakin, yung isang batang mataba na makulit na 3 years old palang. (3 years old ako nung pumunta siya sa States at di na umuwi ever).

si Papa ko, typical fatherhood advice, "Ang sabi ko sau, magtapos ka muna ng pag-aaral mo! yan lang ang pangarap ko sayo. Hirap sa inyo ni Adrian, masyado kayong close!" hehe... kulit ni erparts. pero problem to, kasi ibig sabihin kahit kelan, hanggat wala pang diploma sa palad ko, di siya aaprove sa boyfriend ko.

haiz.

buhay nga naman, parang life.

as for now, ang mga date lang namin ng aking bago daan, ay sa Jolibee lang muna. getting to know each other kuno... malling lang.. back to basics...

pero sabihin mo sakin na hindi kami bagay? itsura palang, swak na swak na.....

yup. chinito din sha. number one requirement (bayaan mo na akong magmaganda!) chinito, 2nd requirement, matangkad (5'7 above) 3rd requirement, hindi babaero, 4th requirement, papa-under sa dominanteng si Diane. 5th requirement, open minded at maiintindihan ang pagiinum at pagpaparty ko! ganoong kasimple. at so far, meron si Jed non. (yep, ate Madel, Jed din name nia, idol kita eh, gusto ko Jed din name ng aking labidabs)...

sabi ni Mianne, isang Marketing friend ko, crucial daw talaga ang 5 years.. pag hindi naayos daw yon, wala na talagang magagawa.. sabi niya lang, sana wag ko pagsisihan...sino ba naman ang taong gustong magsisi sa huli?

ang maganda ke jed, present lang ang mahalaga. hindi futuristic katulad ko. ngayon, feeling ko maeenjoy ko every moment at present. kasi yung kay adrian, super planado na ang buhay namin, which in turn naging boring.....

masama ba ako? masama bang isipin ko naman sarili ko?

hindi ko naman dapat ilagay dito lahat ng problem namin ni Adrian, pero ang masasabi ko lang, ako ang sumira ng relationship namin dahil hndi niya kayang makipagsabayan sa buhay ko...

ayaw niya sa friends ko, ayaw nia sa lifestyle ko, ayaw nia sa activities ko sa school and OJT, kahit sa family ko, nagiinarte siya.. eh panong gagawin ko? magpakamatay nalang ako?

WAG NAMAN DIANE, sayang ka.

buti nalang anjan si JEd. sorry Adrian, alam ko masyadong sudden lahat ng bahay, pero i really really need to end this hanggat may makita akong pagbabago sa buhay mo.

humanap ka muna work, then magipon ka. then ayusin mo lahat ng problem ng family mo, then maging fulfilled ka na as a person, kahit wala ako. better, mag-aral ka ulit, para maging smart ka. para kaya mong makipagusap sa lahat ng klase ng tao. tapos, magnegosyo ka, para may sure monthly income at may pangbubuhay ka na sa magiging asawa mo. yun lang wish ko kay adrian.

as for me, ang wish ko, makapagfocus ako sa remaining one year at school ko at ma-absorb ako ng company for OJT ko... and for Jed, that he'd be happy with me, finish College and be successful in his field. (wahehehe, HRM)

adios muna mga readers ko. masyadong mahaba to, epekto ng ilang weeks na walang blog!

ciao!


0 Comments:

Post a Comment