Tuesday, May 13, 2008
Our house renovation started last month. Haven’t posted any photos here cause I was thinking of doing the before and after thing, like in the magazines.. parang room make-overs kasi… pero I cant help not to blog about it na, kasi I’ve been undergoing serious sadness dahil sa renovations na’to.
Living or Leaving?
I borrowed several magazines from Ate Madel (cousin), so that I’d have ideas about color schemes and modern looks for bedrooms and living rooms I was presenting my ideas to Daddy, para may idea siya sa mga gusto ko ipagawa….pero in the first place, nung sinabi kong ipaparenovate ko din room ko, sabi nia, bakit daw, eh di naman ako dun titira. HELLOW?! San naman ako titira? Sad. Parang daddy conditioned himself na I’ll be leaving soon (either to the US with Mama or be marrying Adrian soon).. nakakainis. Parang hellow, hindi pa nga ako graduate, ganyan na mindset ni daddy…..
Going back: Plan A, Plan B, Plan Whatever!
All I wanted was a bed on one side of the room, with a head board where I could place my picture frames, a lounge beside my other window, where I could read a good novel and smoke my lungs off at night and a life size shoe rack where I could display my shoes (and bag, too?!)
So the renovations started, finish na ung other side of the room, tas nung ipapaayos ko rin ung other side, ampotah, my dad called me up and SCOLDED me badly! Why? Kasi, mukhang tindahan na daw ung kwarto ko! Puro cabinets daw. Kulang nalang daw canisters ng mga candies at mga nakasabit na sachets! Nakakainis.. nung pinepresent ko sa kanya ung ideas ko for this room makeover puro siya, “sige, bahala ka, ung karpentero nalang kausapin mo, blah blah blah” tapos ngayon halfway na ung room ko, pinabaklas niya ung other side of the room.
Shit. Nakakainis. I understand that he’s the one paying, pero we could have talked about it before it was started, naisip ko, nahurt din siguro yung feelings nung karpentero. Eh.. pucha, sabihin ba namang parang tindahan yung kwarto ko. Hayy…
Diane is Creative…………….NOT!
I feel bad. Parang wala akong creativity and all… pero, naisip ko sa sarili ko, eh pucha, I referred all the designs from imported magazines at yung color schemes naman, sa Real Living Magazine.. naisip ko, nako, bakit ba ako papaapekto ke daddy.. eh masyadong playing safe naman to si daddy sa lahat ng bagay (except lang sa polygamy!)
Bahala na.. sugal na to. Although naiisip ko talaga, over ung pagkakarecreate nung isang part nung room, may mega ark kasi na parang hyper head board ng bed… basta, bawiin nalang yan sa pintura! Hahaha…sayang nga, kasi I really wanted to keep everything simple, walang mga cornessa at mga trimmings sa mga doors ng cabinets.. pero in the end, nilagyan parin ng cornessa ung mga edges.. dibale na, mukhang pampaganda naman eh. Bahala na, again sugal na ulit to!
Ayun naman pala eh…..
Medyo magastos na nga, kasi one month na sila, sa room ko palang, 400php x 2 carpenters x 24 days equals 19,200php na! whoah?!! Plus mga materials pa…. damn.. haha
Kung ako nga din daddy ko, magagalit din ako sa sarili ko, andami ko kasing pinagawa! Ahhahaha!
And the Repainting Starts!
Anyways, repainting na today. Im excited na sa room… after nito, bibili pa ako ng finishing touches, like LCD TV heheheheheh… at saka mga items for display like picture frames (ulit) saka mga colored bottles… parang cute non na display eh.. I’ll buy new curtains too and new bedsheets with complementary colors! Nice!
Im going earth tones sa room ko, with light cream/beigish sa walls ko, white ung lounge area and dark chocolate brown sa cabinets with silver handles na talagang may personal touch! (personal, kasi ako bumili non sa ACE Hardware, hehe at abunado pa ako don! Mahal kasi! Tsk!)
Sentimental Value
Actually, kaya ako nagblog ngayon, kasi I felt sad sa ginawa sa mga lumang cabinet ko… winasak na siya. Huhuhu, andami ko pa namang childhood memories with that cabinet (plus the fact na its colored chocoloate brown, antanga ko, vintage nato, dapat pinarenovate ko nalang!)
I guess 20 years old or older pa tong cabinet na to… hayy, bakit ba naman kasi kelangan niang pumangit, tas nakakalimutan mo na yung halaga at serbisyo nia sayo.. tas kung kelan huli na ang lahat, kung kelan wasak-wasak na siya, at ipapamigay na sa iba, saka magfaflashback sayo ang mga happy memories mo with it.
Imagine, parang ref ko ang cabinet na to dati… lahat ng chips ahoy ko, yan yan at pik nik nakatago don.. tas nung mejo nagkaisip na ako, ginawa ko namang black board yung likod sa tuwing naglalaro kami ng teacher-teacheran.. haha..
Pero honestly. Nasad talaga ako.
Time Capsule sa Study Table
Next naman pinagdidiskitahan ni daddy, yung study table ko. Saglit palang pinagsamahan namin non, siguro mga grade 3 yata ako.. pero nakakatuwa, may locked cabinet kasi yun at nawawala ung susi, excited nga ako mabuksan yun, kasi parang time capsule ko yon.. ano kaya pinaglalalagay ko dun?! Hehe…
Pero sad parin ako… waaa… ayoko talaga ng ganitong feeling, grabeh, minana ko yata to sa lolo ko eh, ganito din kasi siya, kaya andaming basura sa bahay ng lola ko, kasi ayaw magtapon ng mga gamit ng lolo ko… ganon din ako, andito pa ung mga notebooks ko nung grade one ako, yung mga toys ko, andito pa lahat, mga board games like Jumanji Millionaires Game.. hayyy..
Ang haba na ng blog entry ko…
Rockin’ Chair
Isa din sa mga items na nilabas sa storage room ung rocking chair ni mama, its still in good condition, imagine, mtanda pa talaga sakin to. Ung rattan bed beside it, bago-bago lang, it was bought by my cousin for my Lola Tacing, tas nung namatay siya, tinago na sa storage room un.
Nako, baka mamatay na ako ng tuluyan pag pinamigay pa tong rocking chair na to! Feeling ko nga, pag namatay ako, magmumulto ako sa chair na to sa sobrang attached ko sa upuan na to!
Ngayon, narerealize ko kung bakit umiiyak yung mga participants sa mga room makepvers, grabeh ganito pala feeling pag attached ka sa isang bagay tas winasak siya sa harap mo tas nakita mo pinapagpartepartehan yung mga pieces ng kahoy. Putah! Ang sakit!
Gosh, baka maiyak na ako pag nangyari un sa rocking chair ni mama, na pinamana nia sakin.. hayyy..
Renovations…. the mark of new beginnings….the signal to leave old memories behind.....Believe me, its hard to. Parang relationship pala to, pag matagal yung pinagsamahan, sobrang sakit pag nawala na sayo…