banner

Wednesday, February 20, 2008

Saturday Night Awt

Weeee.. its tina’s birthday celebration yesterday……… hmmm.. as usual ayoko sana sumama dahil hindi naman ako gaanong close sa mga liacom (mga kacourse ko)… pero magagalit si tina eh.. hehehe.. saka last Monday nag-open din siya sakin ng mga worries and fears (at tampo narin) sa barkada niya, dahil nga halos lahat sila taken….. at parang nawawala na ng time sa friendship nila…blah blah blah..


Kaya sabi ko kay, tina, wak siya alala.. dito lang ako, para paligayahin siya sa kanyang birthday! Wahehe


Ay sows.. 7pm daw dinner sa pizza-watever Italian restaurant sa glorietta (malapit sa gold’s gym) as usual late sina tina.. nauna kami ni hannadale sa glorietta. We met up with kri at ayon.. nagcoffee shop muna (kri I owe you P135 for that cocoloco from Gloria Jeans).

Argh.. I feel full na the time we went to the restaurant. The pizza was humongous.. and the spaghetti (in its original formula) was sour. Italian eh?! Da best parin Jolly Spaghetti. Hehehe…I wasn’t able to finish up the second slice of pizza.. andami ko ngang tinatanggal eh..bell pepper, pepperoni, mushrooms.. in short crust and sauce lang tinira ko. Hehehe.. dami talaga akong sahog na di kinakain…. Besides, hindi ako maka-pasta na tao. Ricevore and CARNIVORE ako. Hehe.. (the bod shows naman diba?)

As usual, medyo OP ako… ako kasi yung tinatawag na, the prodigal liacom. Hehe.. basta, ayoko lang sumama sa kanila, kasi simple, di ko trip mga trip nila. Mga altosociedad yung mga un eh. Si tina nga lang medyo close ko dahil nga pareho kaming taga las pinas.. at marami kaming common field of experience.

And so the night went… endless blah blah talks na di ako makarelate.. or lets say na silent lang ako dahil di ko trip makapagpalitan ng kuro-kuro sa kanila. Dumating yung couz ni tina.. at humangin ng malakas. Hehe.. kamukha ni oyo boy sotto. Wahehe..

Nung una okay pa eh, discreet pa ang pagiging mahangin.. pero nung tumaggal? Comedy na. ako? Siyempre tamang kinig lang.. pero, bawat remarks nia.. napapa-“ows?” nalang ako. Hindi naman sa bilib na bilib ako sa kanya, dahil di ko naman pinangarap yung trabaho nia eh…(aside from the fact na karub elbows nia si papa jake Cuenca, Junior Production Assistant “palang” kasi siya ng ABSCBN eh, specifically Palos)

Ayon, nagdatingan na yung mga dabarkads ni kuya ba (kuya ni tina) at dalawa don nanliligaw sa tropang liacom.. ke kri at ke pet. Actually bf na ni pet si reil eh. Si kuya Andrew, di yata trip ni tina.

Whatever. Basta ako, kating-kati na paa ako para tumapak sa dance floor! Shet… excited na ko marinig ang ultimate dance song ko “the way I are” by timbaland!

Gabi na nong lumayas kami sa pizza parlor. At san ang tungo? Ampotah. Tomas Morato pa raw. Nyaks.. andami-daming gimikan sa Greenbelt, kelangan pa lumayo?



Bangag na Birthday Gurl


Clubbers Guide. 12am na kami dumating sa place. As usual. Jampack. Walang upuan. The hell with them, habang naghahanap ng upuan ung iba, hehe, nagsayaw na kami ni tina.. kaya ayun.. bangag kung bangag.

AMPAPANGET NG TUGTOG.. the music was sooo highschool..

Walang timbaland, walang neyo, walang chris brown.. walang justin timberlake.. alang Britney spears… sows.. although classics na.. (in da club, the next episode..awwwts.. 4 years ago hits) ano ba yan?!!

Wala pa nga kong naiispot na guy.. ay actually meron, tambay lang naghahanap ng tsiks.. ayon.. pawisan talaga ako, as usual.. kahit anong music pa, kahit aegis remix pa yan, dance to the max parin ako.. as I always do.. hahaha..

May programme kuno, mga 1am, stop muna sayawan dahil me booty shaking contest.. ampotah.. talaga naman.. puro babae lang binebenta.. eh ampapanget naman.. anlala pala ng gimikan grabeh..kasi sa greenbelt saucy type pa.. hindi yung ganoon.. feeling ko im inside some cabaret seeing girls, literally, girls.. shaking their assess off.. haha

Nakakatwa nga si tina, kayang kaya ko daw un.. infairnez oo.. sus.. ako pa?

Nakita nio na ba ko magshake ng booty? Haha.. sa mga tropa kong nakakabasa nito, magcomment nga kayo kung pano ako magshake ng ass sa dancefloor… haha

Neways.. it was 2am.. to early to call it a night. Etong insan ni tina, napatrouble. Argh. Ayon, nice one. we had to vacate the place tuloy. Kainis. I was still enjoying eh, kahit si tina alam ko gusto pa sumayaw.. damn

Three cars kami non, kaming dalawa lang ni tina sa car nia.. so tinuloy nalang namin party sa car nia playing house music… saka malayo din naman ang QC, sa laspinas pa uwi namin, baka mahirapan si tina..

Naka-2 san mig light lang ako.. ano ba yon diba?! Andon pa yung beer ko, 3 kasi consumable eh. Ok naman, kasi P250 may 3 drinks na. eh sa Absinth, mamumulubi ka eh, P300 entrance ang drinks, potek P150 yata each bottle, na mabibili ko sa suking tindahan ng P20! Waaaa….

Sa bedspace naman, alang entrance, good music din, pero ang mahal din ng drinks P150 yata vodka cruiser dun eh.. pulubi talaga.. at least hindi mga ikwater mga kasama mo.. at hindi congested masyado…

Gosh! I cant wait for the next gimik!

Pero ultimate gimik ko parin is syempre, sa COWBOY GRILL laspinas.. haha.. walang entrance, ang mura ng beer (500 per barrel) mura ng pulutan.. ayos entertainment… kasi yung banda astig, tas yung bokalista astig, at higit sa lahat, nagsa-stand up comedy pa sila.. san ka pa?! all in one..

May banda, may standup comedy at may dancefloor.. at higit sa lahat.. madami ding hot guys.. at sikat ako dun?! Haha..

Hmm.. kakainspire gumawa ng entry about my unforgettable gimik experiences!

0 Comments:

Post a Comment