Wednesday, March 18, 2009
mga pagsisisi ko mula ng maging Editor in Chief ako ng TS
(//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 11:46 AMsabi nga nila kapag wala ka nang masyadong ginagawa, that's when you contemplate on your past...
you look back one.. two... three.. four.. (and for us, five) years ago and see what have you done so far.. you recall.... and the events just flash in front of your eyes in sepia tone.. eto yung feeling na parang kahapon lang nangyari ang mga bagay2...
madaming mga pangyayari sa buhay ko nitong college... eto yung tipong pwede kong ikwento sa mga apo ko.. at sila naman, ikkwento sa mga classmates nila na may panimulang linya na,
"wala kayo sa lola Diane ko!"
Kaso nga lang, magandang ikwento, pero pag idinetalye ko sa knila ang mga nagawa ko.. natatakot akong mapahiya at sabhin lang nila na...
"Nyeee... mahina ka pala lola Diane eh.. yan lang nagawa mo nun? Panis!"
TS Office
Ngayon, mag-isa ako sa The Scholastican Office.. walang aircon at nagiintay ng 2 oras para sa final graduation practice namin.
Gamit ko ang bulok na computer namin na skeleton na ang CPU at sobrang infested ng virus..
Tinitignan ko ang kwadradong kwarto na 'to.. ang gulo.. yung mga gamit ko last last year, andun parin sa pinakataas na pigeon hole, ang dating lugar na inukupahan ng mga nagdaang patnugot ng The Scholastican na si Ping at Margie...
Hanga ako sa dalawang yon, pareho silang nagpursue ng journalism careers.. si Margie nasa InFlight Magazine at si Ping naman nasa Manila Times...
Ako, san kaya ako patungo?
Ang Tanga KO
Madaming bagay tungkol sa TS ang nagpalungkot sakin. Nagsisisi ako dahil hindi ko ito binigyan ng pagmamahal na nararapat para dito, Ang katwiran ko, maging noong unang araw na pagtalaga sa akin bilang Editor in Chief, Ehhh.. hindi ko naman gusto tong posisyon na ito eh!!!
Oo alam ko, ngayon na ilang araw nalang ang nalalabi sakin bilang EIC ng TS at bilang LiaCom student ng St. Scho, naiisip ko, na dapat ginawa ko na lahat ng makakaya ko para mapaganda ang TS.
Hindi ko maayos na namotivate ang aking mga editors, wala akong natrain para humalili sa kanilang mga posisyon, hindi maganda ang naging recruitment namin at nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking kaibigan at Associate Editor na si Bene.
Ngayon, may isang deliverable nalang ako for TS at buti nalang at madali ko naman nakakausap si Dean Azurin, kaya hindi naipit ang clearance namin tulad ng nangyari last year.. Magazine nalang..
Sa pagprepare namin ni Cynthia, Features Editor, for the mag, narealize ko na siya pala yung taong gusto ng mga presswork, mga sleepovers para motivated kumilos.. nakakainis, if only i knew.. i could have scheduled for regular sleep overs sa bahay.. para naging maganda yung results ng past year...
Nitong March narin nang magrecruitment kami for the next batch at grabeh ang acceptance ng mga Scholasticans.
natutuwa ako, at least natulungan ko na ang next editorial batch sa pamamagitan ng pagrerecruit. Bakit nga ba hindi ko ito ginawa nung second sem, nung hirap na hirap kami sa pagsusulat dahil wala ngang members.
Magbasa ng Mga Lumang Emails,magugulat ka sa iyong makikita
Isa pa sa mga pagsisisi ko.. akin nalang.. nakakahiya kasi..pero ang lesson, matutong magbasa ng spam, mga inbox, sent items ng email mo. Hindi mo alam kung may mga importanteng mails na natabunan at nalimot na ng panahon.
Ganito yung realization ko after akong may nakita sa mga last year mails ko. Nakipag-away pa ako sa isang tao only to find out that she sent her deliverable after all...Nakakahiya...
Isa pang narealize ko sa pagbabasa ng old mails sa inbox ko...nakita ko yung pinang-gagalingan ng isang tao..
may isang taong sobrang daming email sa akin dati.. isa siyang tao na nasa posisyon pero ng sumunod na taon, naging under sha sakin.
hindi ko magets yung point niya bakit niya ako pinersonal, eh kaya nga kami nagsasama para magwork....
pero after reading her old mails, yung mga plans nila, mga nagawa niya, i then realized na she was more experienced than i was. I might have been to blind to see that especially when i realized i hold a higher position than her. But all she wanted was to get thjings done.. i may have belittled her for not having several knowledge that i have.. but in the end, she knows how to run this "thing" better than i did...
Pero tapos na eh. Hindi na namin naayos, very civil nalang ngayon at kung minsan, non-existent kami sa buhay ng bawat isa.
Journalism Award
Isa pa ito eh, ginawa kong motivation ang pagkakaroon ng award para maging EIC...sabi ko mag-aaply ako for this award...
So balik ako ng balik sa Student Affairs Office (SAO) para tanungin kung open na for application.. eh nagthesis kami, tas nag-event kami.. tas clearance period... at nang magtanong ako muli sa SAO............
Tita Claire (Secretary): "Ha?! Tapos na ang deliveration period, tapos na ang application for non-academic awards."
Gumuho mundo ko. Sayang!!! Ito na nga lang ang pwede kong ikabit sa pagkahaba-haba kong course bago ako umakyat sa stage.. nawala pa???!!
Nakakalungkot.
Pero maybe its God's way of saying that you havent done enough for The Scholastican,.are you sure you are deserving to bag the award...
Ang sagot ko kay God,
"Ehhh God naman, sana at least, pinag-apply niyo ako diba? Para hindi ganito kalaki yung pagsisisi ko, na malalaman ko na na tapos na yung application period!!!"
Pero actually, marami din nainis, dahil hindi well disseminated ang information na open na for application. Badtrip kasi in the end apat lang ang nag-apply kaya apat lang din ang awardee. VERY UNFAIR.
Sa bagay, who ever said that life is Fair?
Moving Forward
Wala namang ibang movement kung hindi forward.. kaya mula ng narealize ko na ang mga ito.. sabi ko gagawin ko nalang lahat pa ng makakaya ko.
1. Magrecruit ng New Members - DONE
2. Magbigay ng mga freebies sa New Members - DONE (Thank you very much Miles AM of Nike Philippines for the Nike My Game DVDs and Sir Ollie Marcelo of Ample Printing Press for the free notepads)
3. Mag-interview at magpa-exam sa new Editorial Board
4. Mag Team Building and Journalism Seminar for the new EB and members
5. Gumawa ng report for the SAO and to the EB for recommendations for the next batch of EB.
i hope this time magawa ko lahat.
Definitely magiging lesson sakin ito.. sad to say ngayon ko lang narealize ang mga bagay-bagay.. kung kelan tapos na term ko bilang EIC...