Monday, November 17, 2008
Shores of Caylabne Bay [november beach escape]
(//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 8:33 AM Escape
sure thing, i may have escaped a lot of my responsibilities.. like TS presswork, and thesis.. but i wouldnt miss this opportunity to hit the beach.. ive been dreaming about the beach ever since i went to puerto galera last august.. and now, my cousin tagged me along with her to make use of the GC that her boss gave her.. overnight hotel accomodation at Caylabne bay Beach Resort...
Are we there yet?
So i guess, its free? what the heck, Go! even though i have no idea which part of cavite it is located... So Jed was like, "Nagtanong na ako pano pumunta, Naic daw sakyan natin...." so my cousin Geli and I was like, "Okay, tara, baby bus nalang, wala yatang bus ngayong saturday..."
Sabi namin ke manong driver, "Manong, dadaan ba sa Naic? Sa may Caylabne Resort?"
"Ha, Eh restaurant yun eh?"
"Hindi po, Resort po...."
"Sige, pagtatanong nalang natin sa bayan yung Lovely Resort"
TOINK. ano daw? Lovely resort daw? Pero sige, mega wentuhan nalang sa bus.. until we reached Naic.. at sumigaw si Manong sa mga barker..
"Hoy, San nga ba yung Lovely Resort dito???"
Geli and I chorused, "CAY-LAB-NE RESORT PO!!!!"
At sumagot ang isang pasahero, "ah, Kaylab-ne?" Hindi dito sa Naic yun, baba kayo dun tas sumakay kayo tricycle papuntang Maragondon...."
"Ah ganon po ba?"
"Oo. tas pahatid kayo sa sakayan ng Caylabne"
(baby bus will stop. drops off three inocent vacationists na hindi ala.m ang patutunguhan...
)
So, we rode that baby bus around 12:45, and we left around 1:30... Php 45.00 pamasahe pa Naic.. then sakay trike, mga 30 minutes ride ulit, Php 60.00...
Diane: (to trike driver) Manong, alam niyo ung Caylabne?
Manong Trike: "Naku, anlayo po nun...."
Diane: Oo nga po, tinatanong ko lang po, di naman kami magpapahatid dun... TOINK.
after a few minutes of travel...
Manong: Kita nio yung bundok na yun? Sa likod non, dun ang Caylabne..."
Geli and I chourused: Owwwwsss????
Binaba kami sa waiting shed na may mga mokong na trike driver ulit...
Apparently, dahil 3pm na non, wala na daw shuttle papuntang Caylabne.. pero nabrief na kami na ang singilan is around 400php..we have no idea how long at how far yung byahe.. at sabi nung driver, 500, sabi namin, 400 lang ung sabi samin.. laki na nga non, dapat pala 350 lang.. pero ayos lang, we ended up paying 450 parin naman eh...
so ayon nga, totoo pala, aakyat ka ng bundok! kaloka! ano na toh.. nadaanan namin ang Puerto Azul at Marines Camp Ternate Base...
Sarap to shoot ala-Westlife MTV
At last, narating na namin ang main gate ng Caylabne and the scenery was break taking.. damn, naiisip ko yung MTV ng MyLove by Westlife, kasi kita mo yung coast...
(now playing, overseas and coast to coast to find a place i love the most, where the fields are green to see you once again, my love...... tra lalalalalala lala)
at akala naman namin, walking distance nalang ang beach.. pwes nagkamali kami...
another 15 minute jeep ride na naman... oh cmon! are we there yet?!!
at nang marating namin ang front desk.
shet, parang nasa retreat house kami!
welcome drinks!
A place to Chillax
The place was very quite, napapaligiran ng kabundukan at mga puno.. di ko nga maimagine san ang dagat dito, dahil as in, bundok talaga siya...
Yung mga display pa puro mga angel figurines at kung ano2 pang,, mejo religious..talagang feeling mo nasa retreat ka...
after signing a few papers, the bell boys directed us to our room..
it was sweet!
hehe,, suite room 406.. nice! two beds.. carry lang! laki!
pero eto na, yung impression na pang-mayaman talaga yung place...
parang california look yung mga facade.. may mga coconut trees pa at kung ano-anong puno...
at nalaman namin, 7000 per night pala yung room namin! (phew!)
We're Rich, Lets hit the Beach
we cant help but to joke around na "were rich eh, si daddy kasi, is like having his dinner in Paris.. and he's like sending out the chopper nalang tomorrow to fetch me kasi he does not have time tomorrow to personally fetch me..."
hahaha.. pano ba naman, yung place kasi, parang may mga kotse lang ang can afford at yung rooms at yung food.. ang mamahal!!!
oh well, it was afternoon na when we changed for our beach attires for a few photos...
and the scenery was great! indeed the beach side was in the middle of two mountains.. hindi masyadong malinis, pero pwede nang pagtyagaan.. although fake white sand yung beach.. kasi beneath the white sand, puro brown sands eh... haha.. okay narin... kunwari white sand tlaga...
tanaw from the bay yung Bataan and then at the other side, Batangas na daw..
Lafang and Gobble Chunks of Pork Fat
ewwy yung spareribs nila, as in, literal, 3 inches yung taba nia then 5mm lang ung laman, then 1 inch taba ulit, then buto na.. tangina.. worth 390php.. masarap pero alta presyon abot mo, nakakasuka.
masarap daw grilled porkchop na kinain nina Geli plus i forgot anong gulay un...
Bartending 101
dahil walang katao-tao sa lugar, pero may bar, Marina Bar. we still decided na mag-inum at nagpaturo kami sa bartender, si kuya jimmy... haha... ng kung ano2ng mix ng cocktails...
okay naman, dami ko nainum, tinamaan nga din ako...
Beach, Body and the Boys
hmmmm....