Sunday, July 27, 2008
Papayag ka bang pakialaman ng skul ang Friendster at Multiply mo?
0 comments (//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 4:22 PMFrom: DMSOC President
hi guys,
nag patawag ng meeting si Ms. Azurin kaninang 12:30 regarding a
serious matter..
its about a girl na nagpost nude sa internet who was a scholastican
daw but she never was.. ewan..
KALAT NA DAW SA INTERNET YON KAYA PINATAWAG KAMING MGA COL'S AGAD TO
RELAY THE MESSAGE TO ALL THE STUDENT BODY..
here's the thing guys;
"BE CAREFUL OF THE STUFFS THAT YOU POST IN THE INTERNET"
according to Ms. Azurin;
1. STUDENTS NA ME MGA NUDE PICTURES OR VULGAR IMAGES SA FRIENDSTER,
MULTIPLY OR WHAT NOT...NAKA UNIFORM MAN O HINDI..BASTA SCHOLASTICAN
KAHIT GRADUATE NA WILL BE PENALIZED BY THE SCHOOL; meaning...pag ikaw
ay scholastican at me pic ka sa friendster na nasa party at may hawak
na bote ng alak..LAGOT KA..ganon katindi ang provision...
SO FOR ALL PIPZ NA ME VULGAR IMAGES SA FRIENDSTER, SA MULITPLY AR SA
KAHIT SAAN NA MAAAXEZ SA NET..PAKI TANGGAL NA PO..kahit blog ah..
SO COMPLY NALANG TAYO..
thank you guys...
wow.
i recently spoke with a representative from the Student Council regarding this matter. even the SC, which was dubbed to be the closest batch of SC sa Admin, were resistant of this NONSENSE provision by the school.
there are so much issues to focus on instead of doing something like this.
sa bagay, obviously, panakot lang ng skul to.. para mag-ayos ang mga estudyante.. wala naman kaso don eh, ang issue lang, bago sila manghuli, make sure that every detail of the new rule is properly disseminated to the students.
pero honestly, ANG STUPID tlaga. haha.. personal na buhay na namin to eh, bakit pati ba naman online community namin papakialaman niyo?
ang point lang mga kulasa, wag magpapicture in uniform na nagssmoke or nagiinum. sa portion na, School:______________. burahin niyo nalang skul natin, as if naman napakaprestigious ng skul na to. pasalamat nga sila may mga enrollees pa sila, kahit na yearly nagdedecline ang freshmen.. kasi naman... napaka-feeling.. akala mo ang gagaling ng mga professor, akala mo napaka ganda ng mga facilities.. KAYA PALA BAGSAK SA PAASCU reaccreditation.
oh cmon! get real! bago niyo kami pakialamang mga students ayusin niyo muna ang skul.. okay? were doing our part as far as were concerned. we pay our tuition. we do academic requirements. we PARTICIPATE sa mga events nio, attend ng mga forums, sumusuporta ke LOZADA, etc. hindi pa ba kayo kuntento sa pagpurga niyo samin sa school theme? na lahat ng bagay na gagawin namin, dapat it resounds the school theme?
hayy nako. wala na ngang room for promoting individuality, tas ganito, kung saan nalang namin pwede iexpress ung personality namin, irerepress nio pa kami?
so what kung may bisyo kami? kung nagyoyosi, nagiinum ng alak? eh kung dean's lister naman at cum laude ggraduate? ano?? tapos pag naging successful kami, icclaim niyo na "Scholastican" kami. hanep din kayo. hindi lahat ng tinuturo niyo ngayon ang nagiging motivation para maging successful kami.
everything boils down to us. isang factor lang ang school sa mga buhay namin, wag niyo kami karirin. may mga pamilya kaming dapat magregulate samin, okei?
for the mean time, planchahin niyo muna ang gusto niyong mangyari. magpa-meeting at magsama ng student leaders para 2 way ang pag ddraft ng mga stupid new rules. then maghanda kayo, kasi pag nabadtrip kami, through our online communities, kaya namin sirain ang reputation ng school.
isang case lang ang hinarap sa inyo, nataranta na kayo, feeling niyo naman lahat ng kulasa ganon kawild sa communities nila? weird.
Thursday, July 17, 2008
Huli ka balbon! Yosi ka pa huh?
1 comments (//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 10:37 AMeksena: veranda ng office ni Mr. Gervacio
Diane: "papa, papasama sana ako kay kuya para sa printing ng tarpauline..."
Dante: (simangot) coding.
Diane: "ayy ganon...."
moment of silence.
Dante: "ikaw ba naninigarilyo?"
Diane: "HINDI."
Dante: "andami dami kong nakitang upos ng sigarilyo sa kwarto mo.."
Diane: "si ate karen papa, siya ang naninigarilyo... si ate kai.."
Dante: "ikaw diane umayos ka, ayoko ng pabara-bara ka..... (galit)"
moment of silence
Diane: (change topic, agad ehehehe) "ung passbook ko nga pala papa?"
Dante: "aba malay ko sau..."
Diane: "papawithdraw sana ako eh.... para di na me hihigi pera sau, pang decoration sa bday ko............."
END CONVERSATION.
whooooo-saaaaa...
kinabahan ako dun.. buti nalang..........
Tuesday, July 15, 2008
Alamat kung bakit sinungaling ang mga lalaki
0 comments (//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 8:42 AMIto nga ba ang dahilan kung bakit nagsisinungaling ang mga lalaki...?
Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya,
"Tutulungan kita, Pedro"
Sabay lundag sa ilog.
Lumabas ito na me hawak na gold hammer,
"Ito ba ang martilyo mo?"...
"Hindi po."
Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,
"Ito ba?
"Hindi po."
Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer,
"Ito ba?"
"Opo!"
Natuwa ang anghel.
"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa iyo na rin ang gold and silver hammers!"
Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog. Iyak si Pedro.
Litaw si guardian angel.
"Tutulungan kita."
Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Diana Zubiri.
"Ito ba ang misis mo?"
Sagot si Pedro, "Opo!"
Nagalit si anghel, "Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka."
Nag-reason-out si Pedro, "Sorry po, angel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo.
At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at Katrina.
Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una."
MORAL OF THE STORY:
Kaya lang naman nagsisinungaling ang mga lalaki eh for a good and noble reason.
----hmmm.. ganon ba un? well.. kaya siguro honest mga babae, kasi gusto din namin ng 3 martilyo, isang gold, isang silver at isa may tatak na GUCCI o LV.
Reposted from egroups. Post by
Edgar M. Sandalo
Project Manager
Asset Management Department
Social Security System
East Avenue, Diliman, Quezon City
The Philippines
Saturday, July 12, 2008
Super Badshot sa Prof, Redeemed Myself then ate Cerealicious
0 comments (//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 10:28 PM Sino ba naman hindi mababadtrip sakin?
second meeting: Bring index card with 1x1 ID.. nakalimutan ko. so ang eksena:
"chiqui, may index card ka pa?" "oy, ano nga ba ilalagay sa index card?"
"sir, sorry po, next meeting nalang po yung picture....."
si sir naman, "its okay, next meeting nalang ung index card mo."
ampotah. unang badshot.
third meeting, late ako, 20minutes.. tas discuss si sir tungkol ng kung ano2anong computations (finance na binaon ko na sa limot) so anong ginawa ko? nagslouch at nagtext sa ilalim ng table ko... hindi ko napansin, lumapit na pala si sir sakin, sabay sabi "diba, ms gervacio??"
startled, i immediately laid down my phone and said, "yes sir, sorry po"
tanginang yan, never pa ako nahuli nagtetext.. kasi namaster ko na yung look na "nagtetex-sa-ilalim-ng-lamesa-pero-ung-itsura-akala-mo-naiintindihan-lahat-ng-discussion-sa-board-LOOK"
argh. pahiya na badshot pa.
last eksena sa badshot series ko ke sir, kanina naman. 30minutes (anong bago?) late. may something kmi sa computer room, parang managing inventories using Excel...nagagawa ko naman ung seatwork.. kaso nahuli na naman nia ako, bukas powerpoint ko..(i was checking my slides for my next subject's report) tas nung tinignan ni sir, malamang may mga namiss akong fields sa excel.. resulta: SERMON.
"you know what, your mind is not here in class..."
toinks. BADSHOT NA!!!!
i need to redeem myself..
so mega kinig ako sa mga formulas at mga instructions ni sir..
then...my time came! nag seat work.. plus 5 daw!
wooooohoooo.. bigay todo ako!
at in the end...hahaha.. ako lang naplus 5! yehey..
ano ka ngayon sir, akala mo pariwara ako? hindi ren!!!!!! wahaha.. pero salamat narin dahil sa takot ko sau, nagpursige tuloy akong makinig ng mabuti.. next time dont worry papasok na ako maaga.. mga 15 minutes late nalang.. wahehehe..
after class... buhos ko nalang sa canteen at magisa akong nagcelebrate with bacon and egg burger and cerealicious!
Monday, July 7, 2008
Swabe lumunok ng libreng pagkain!
1 comments (//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 9:11 AMhaha! nagkitakita kami ng NERDS at absent si ehzel.. uwi daw kasi sha sa province! grrrr.. miss ka na namin ehzel! at si rain and nika, both may work na.. kaso naman to si rain 3 months nang di kumukuha ng sweldo nia! rain naman, pati yan kinatatamaran pa? haha.. sinama ko si jed to meet and greet mah friends (pero 2nd meet up na to ni nek at jed) natatamad ako magblog kaya eto nalang...
howking! chaofan, lauriat, wanton and beef noodles, iced tea, rootbeer, extra soup, chili sauce, halo-halo! sarap! swabe lunukin dahil libre lahat ni neknek!
BEST CHOWKING SALO-SALO POSES!
AYAN KASE EHZEL, DI KA SUMAMA AYAN SI JED TULOY NALIBRE NI NEK!
EXCITED NA AKO SA NEXT KITA-KITZ NATIN! RAIN IKAW NA ANG TAYA! KUNIN MO NA SAHOD MO!!!! WAAAAAAAAAA
We watched Hancock at ang ganda. bow. tinatamad ako magblog. haha.
read nio nalang review ni Rain.. haha... or might as well gawa ako ng sarili kong review pag sinipag na ako... hmmmm
Labels: NERDS
Thursday, July 3, 2008
Photostory: Ubos ang Allowance!
0 comments (//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 8:24 AMdoes broken hearted people tend to spend a lot? i guess they do. amfotfot. ubos pera ko dahil sa recent visit ko sa Alabang Town Center (ATC).
i was planning to check out Havaianas lang sana.. kasi sabi ni EG meron daw Dice ung design na havs...so ako mega interested since favorite ko ung mga DICE...(dice1diane!)
i was with Ate Gina, my kinakapatid, super asensado na...and we decided tp drop by The Body Shop muna, kasi malapit na bday ni EG and ate Gina wanted to buy her a gift. Gusto nia ung Bronzer na beads... grabeh, 900php yata.
alam ko walang problema sa 900php, lalo na sa shelflife non (almost 3 years bago maubos) at Body Shop pa ang brand! pero ewan ko ba, nasasayangan ako sa pera! until i noticed their New Limited Edition Sun Drenched Collection Bronzer...
imagine, pumunta ako don na mukhang wasted and after a few touches, nagmukha naman akong tao! kahit konti! kahit laki eyebags.. nabuhay naman mata ko!
shempre naman nitry ko din unglipgloss nilang maganda! smuckers! kaya na-enganyo na talaga ako bumili ng makeup!
okay.. so next stop? where else? ALL FLIPFLOPS! amma check out those havaiannas na... nako.. sabi ko pa naman, never will i buy something expensive, lalo na't sa isang tsinelas lang.. pero im gonna break my promise na sige na bibili na ako!
terno kasi sa nail polish ko! hehe..
after buying my very first havaianas, dumaan kami sa Apple and Eve.. my favorite boutique.. aside from stylish, its very elegant and classy...kung hindi ako namimili sa Divisoria, sa A & E lang ako nagssplurge ng damit, kasi it represents my style...
i tried on this purple blouse.. pero di ko binili dahil ubos na allowance ko! si ate gina, 2 blouse binili tindi!
AND THIS IS THE END OF MY PHOTOSTORY!
KUMAIN AKO NG 2 JAMAICAN PATTY SA GUTOM KO! SUPER SARAP! BURP!
kelan kaya makakapagshopping ulet... hmmmmm....
Wednesday, July 2, 2008
I did not see this coming, really.... OUCH!
0 comments (//*,) still talking shit -> (//*,) diced out diane at 3:05 PM
i did not see this coming, really.
okay, so Adrian and I already broke up. But he still have the hopes that all these mess ive created are just part of one diabolical plan of playing a big fat prank on him... i was hoping it was all just a prank.
but its not.
parang gusto niya siguro, isigaw ko, "NAYARI ka!" ala Bitoy, a few seconds after i told him "Split na talaga tayo...."
pero ewan ko ba... gusto ko sha balikan.... ewan ko kung guilty feeling lang dahil nga nagkaroon ako ng number 2... tas parang clueless sha bakit ko siya iniwan sa ere dahil wala naman shang ginawa (at that moment) na masama sakin...
my concern was, im too tired of living a lie. too many sleepless nights, now i made up my own mind, im sorry to say baby, im walking away...
uyy... tama craig david un.. pero back to serious mode..
sabi ko pagod na akong mamuhay sa kasinungalingan...sobrang dami nang lies ang ginawa ko sa kanya.. hindi nia alam na nagchachat ako, di nia alam na gumigimik ako di nia alam may ibang guys ako (im a biatch all right.. so just shut the hell up....)
pagod na ako.. lamat na lamat na relationship namin, at ako may kagagawan non. sabi ng iba di daw nila ako masisisi, pano ba naman, di ko naenjoy ang makipag-mingle or even be friends with guys... dahil sa murang edad na daisy sais.. ako'y nakipagsteady sa bf ko... at super sakal talaga... ultimo pananamit and how to live my life pinakialaman nia.. or lets say, binago ko for him....
pero di un ang point, sabi ko, gusto ko nang aminin lahat sa kanya, kasi nahihirapan ako.. parang di ko kayang magmahal ng iba knowing ive done him wrong and i caused him na walang dahilan...
kaso, naisip ko, gusto ko sha balikan, at magsimula ng bagong relationship with him.. something na wala na talagang lies.. on my part.. for i believe na honest and loyal talaga sha sakin...
pero aaminin ko na lahat...kaso, malamang wala nang balikan to...dahil di na nia ako matatanggap after ng revelation ko sa kanya....
hindi ko nireveal. nahulaan niya. ayoko nang pahabain pa. inamin ko narin, sabay dugtong, "kalimutan mo nalang din ako..........."
at anong sinabi nia?
eto na yung part na di ko nakitang paparating...
"actually, ako din, nagkaroon ng iba last year...."
ayoko nang idivulge lahat ng detalye,,, pero kung hanggang saan ka dadalhin ng imahinasyon mo sa extent ng revelation nia sakin, pwes un nga un!
oo inamin narin niya. so inamin ko narin. nag-aminan kaming dalawa kung gaano kami ka-mortal na nadadarang at natutukso rin... (hiram)
tangina. malala ung akin, malala din ung kanya, magkaibang aspeto kami ng atraso sa isa't isa..
pero after namin magtapat sa isat-isa... para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.. nakakalunok na ako ng maayos...ganon din siya.. so sabi ko, pano, split na?
maaliwalas naman niyang sinagot, oo sige split na. sabay bulong ang landi ko daw talaga.
akala ko tanggap na niya ako. nagfavor ba siya sakin na, iemail ko daw ulit ung resume niya. so decided na ako... kinausap ko narin si jed at naintindihan naman niya ako, na si Adrian parin ang number 1 sa puso ko...
and i did not see this coming, again. grabeh ung laman ng email nia sakin! ayoko nalang ulit idivulge dito sa blog pero nako naman?!!
akala ko ba ok na tayo?
well, gago talaga ako, how could i make myself believe that everything will work out and everything will turn out fine? im soo stupid for doing so. galit na galit siya sakin sa mail nia.
gusto ko na shang bumalik sakin! pero ayaw na nia.. putangina, break up period ba talaga ito? huhuhu...
pero right now, usapan, maguusap kami kung anong siste ng buhay namin.. mahal ko siya, mahal niya ako, bakit kelangan pa namin pahirapan sarili namin, dahil may nagawa kaming mali sa isat-isa?
kasalanan ko, oo. pero kahit ano pa man, di ko alam, siya parin ang number 1 eh. walang tatalo.
salamat sa mga taong naniwala sa relationship namin, maraming nagulat, maraming natuwa, pero most of all, maraming nagsabing isave mo hindi dahil sayang ang 5 years, kundi dahil alam nilang "may something" (as to quote my friend) kaming 2.. ung something na yon, it will go a long way.. at alam niyang kami talaga in the end. salamat muli kaibigan.
at ang pinakakaibigan ko, gran matador at yosi. salamat sa panandaliang pagtulong mong makalimutan ko ang mga problema.