banner

Wednesday, June 25, 2008

Nahulog Helmet at Naumpog sa Katotohanan sa ANG BAGONG DAAN!

Ilang weeks na akong hindi nagbblog... kating-kati na ako magblog pero pinigilan ko sarili ko.. sabi ko, i have to finish editing articles first for The Scholastican (TS) para naman mai-layout na. its already July at hindi pa kami nakakapaglabas ng first issue.. pero okay parin dahil usually, august or september and first ish eh.

so ngayon, tapos na lahat ng trabaho ko. dapat, punta ako school para upuan ang lay-out artist, pero busy si Ryan, kaya bukas nalang daw... hmmmm...so ano pang pwede kong gawin? malamang mag-update ng blog!

so anong sinusuggest ng title ng blog ko na to? nope, hindi ako sumakay ng scooter at nahulog at naumpog at nagka-amnesia... panandalian kong nakalimutan ang mag-blog pero ang pinaka-nangyari... nagising na ako sa katotohanan.

NA HINDI KO NA KAYANG IPAGPATULOY ANG RELATIONSHIP NAMIN NI ADRIAN.

OO, BREAK NA KMI. NUNG june11 PA.

monthsary namin, nagsimba kaming dalawa sa Baclaran at nag-novena kami. specifically, eto dinasal ko:

Temptation

Mary, my Mother, your love for us could not be greater or more powerful. You are rich in love and your power brings us relief. You want everyone to be saved. I beg you therefore, protect me in temptation and strengthen me when I weaken. I struggle daily to be faithful to Jesus your son. Help me my Mother at every moment. But above all take me by the hand when you see that I am weakening and about to fall. I will have to battle with temptation till the day I die. My Lady, you are my hope, my refuge, my strength; never let me lose the grace of God. In every temptation I resolve to turn to you at once and pray: Mary help me. (St. Alphonsus)

***

sus, andrama ko.. feeling ko naman may temptation. pero meron nga siguro. at bumigay ako sa temptation, nahulog ako sa bitag. pero dinasal ko rin kay Mother of Perpetual Help na ituro sakin ang tamang daan... alam mo yun, darating ka sa point na may dalawang sumanga na daan... hindi mo alam ano pipiliin mo?

dun ka ba sa daang 5 years mo nang tinatahak. mabait sau, loyal, seryoso. pero hindi ka na masaya? madaming problema, madaming lubak, maraming humps at nagkalat ang tae sa kalsadang un. ang masaklap, laging walk the hard way.. walang dumadaan na sasakyan, lakad ka lagi. pahirap, puro kalyo na paa mo. pero pag dating mo sa dulo, sige masaya ka, pero, men, yung tinahak mo, kalbaryo.

o dito ka sa bagong ginagawang daan. Hmmmm.. maganda ang pundasyon, matibay.. nagsimula kayong magkaibigan... alam mo mga problema nia, alam nia problema mo.. di lang niya binubuksan ang daanan niya sayo kasi alam ayaw nia makapanira ng isang relasyon. pero nung sinabi mo na, finally, sa kanya kung bakit sugat-sugat paa mo, at bakit puro kalyo... narealize niya, shit, kelangan padaanin ko si Diane dito. its about time na maglakad siya ng masaya. Magagamit nia yung Mazda3 niya sa kalye ko. may konting lubak, pero di bako-bako, malinis at walang tae. madami pang nakatanim na puno, kaya mejo mahangin at wala masyadong pulusyon.

sabi ni Diane, hindi okay lang, maglalakad nalang ako, tutal sanay naman akong maglakad eh. sabi naman niya, hindi pwede sakin yan, lahat ng nakasanayan mo, magiiba na yan, bubuhatin kita sa landas na gusto mong puntahan. i-enjoy natin ang bawat sandaling naglalakad tayo, magkahawak kamay at nagkkwntuhan ng buhay-buhay.

so isang araw, sabi ko, sige, masubukan ngang daanan tong bagong kalye nato. at pucha! di ko mawari ang kasiyahan ko! saka di masakit sa paa infernez! nung narating ko na yung dulo, naguluhan ako bigla.

di ako sanay sa ibang kalye... pero sabi nung bagong kalye, bigyan ko siya ng chance..

sa totoo lang.. ang lamang lang ng bagong kalye sa lumang kalye, panahon. kasi 5 years na akong dumadaan sa kalyeng luma eh etong kalyeng bago, saglit palang.

nung tinanong ko sa mga tao sa paligid ko, sagot nila...

"sigurado ka? pano na si Ad? Di ka ba naawa kay Ad?"

eh pano naman si Diane, na 5 years nang di masaya? pano kung awa nalang nararamdaman ko, ok lang ba yun? kahit di mo na mahal, basta naawa ka nalang?

hirap din kasi sakin, masyado kong inispoiled si Adrian. Ngayon tanong mo sa knya, kaya nya bang wala ako?

ayokong magmalaki sa inyo, dear readers. hindi ako kagandahan, lalong di kaseksihan, pero may utak naman ako! na matagal ko nang di ginamit, specifically 5 years syang naghibernate..

ngayon, sabi nga nila, naumpog na daw siguro ako... nakakatawa pero nakakalungkot din. madami na rin kasing involve.. like yung mga family namin. di ko alam pano ko sasabihin sa mga kamag-anak kong ang lalaking every week kong dinadala sa reunion namin, wala na sa buhay ko.

sinabi ko na sa mama ko, at suportado naman ako ni Mama. Palibhasa proud siya na Im capable of making such sound judgements, dahil ang memory niya lang sakin, yung isang batang mataba na makulit na 3 years old palang. (3 years old ako nung pumunta siya sa States at di na umuwi ever).

si Papa ko, typical fatherhood advice, "Ang sabi ko sau, magtapos ka muna ng pag-aaral mo! yan lang ang pangarap ko sayo. Hirap sa inyo ni Adrian, masyado kayong close!" hehe... kulit ni erparts. pero problem to, kasi ibig sabihin kahit kelan, hanggat wala pang diploma sa palad ko, di siya aaprove sa boyfriend ko.

haiz.

buhay nga naman, parang life.

as for now, ang mga date lang namin ng aking bago daan, ay sa Jolibee lang muna. getting to know each other kuno... malling lang.. back to basics...

pero sabihin mo sakin na hindi kami bagay? itsura palang, swak na swak na.....

yup. chinito din sha. number one requirement (bayaan mo na akong magmaganda!) chinito, 2nd requirement, matangkad (5'7 above) 3rd requirement, hindi babaero, 4th requirement, papa-under sa dominanteng si Diane. 5th requirement, open minded at maiintindihan ang pagiinum at pagpaparty ko! ganoong kasimple. at so far, meron si Jed non. (yep, ate Madel, Jed din name nia, idol kita eh, gusto ko Jed din name ng aking labidabs)...

sabi ni Mianne, isang Marketing friend ko, crucial daw talaga ang 5 years.. pag hindi naayos daw yon, wala na talagang magagawa.. sabi niya lang, sana wag ko pagsisihan...sino ba naman ang taong gustong magsisi sa huli?

ang maganda ke jed, present lang ang mahalaga. hindi futuristic katulad ko. ngayon, feeling ko maeenjoy ko every moment at present. kasi yung kay adrian, super planado na ang buhay namin, which in turn naging boring.....

masama ba ako? masama bang isipin ko naman sarili ko?

hindi ko naman dapat ilagay dito lahat ng problem namin ni Adrian, pero ang masasabi ko lang, ako ang sumira ng relationship namin dahil hndi niya kayang makipagsabayan sa buhay ko...

ayaw niya sa friends ko, ayaw nia sa lifestyle ko, ayaw nia sa activities ko sa school and OJT, kahit sa family ko, nagiinarte siya.. eh panong gagawin ko? magpakamatay nalang ako?

WAG NAMAN DIANE, sayang ka.

buti nalang anjan si JEd. sorry Adrian, alam ko masyadong sudden lahat ng bahay, pero i really really need to end this hanggat may makita akong pagbabago sa buhay mo.

humanap ka muna work, then magipon ka. then ayusin mo lahat ng problem ng family mo, then maging fulfilled ka na as a person, kahit wala ako. better, mag-aral ka ulit, para maging smart ka. para kaya mong makipagusap sa lahat ng klase ng tao. tapos, magnegosyo ka, para may sure monthly income at may pangbubuhay ka na sa magiging asawa mo. yun lang wish ko kay adrian.

as for me, ang wish ko, makapagfocus ako sa remaining one year at school ko at ma-absorb ako ng company for OJT ko... and for Jed, that he'd be happy with me, finish College and be successful in his field. (wahehehe, HRM)

adios muna mga readers ko. masyadong mahaba to, epekto ng ilang weeks na walang blog!

ciao!


Friday, June 6, 2008

Friendster: "I'm a Fan of........." Dingdong Dantes?!! WHoat?!

okay, so napakaout dated ng friendster account ko.. lately ko lang natutunan maglagay ng media box at saka lately ko lang natuklasan na i was viewing may friendster in Safe Mode pala kaya kahit anong lagay ko ng malufet na lay-out CSS eh hindi ko siya mview...

ok.. so ngayon, wala akong "im a fan of...." browse browse ako sa featured fan pages don.. kita ko embassy superclub.. syempre! mega click ako don! "im a fan of embassy superclub." ayoko na naman ng starbucks at havaiannas.. kasi napaka gas gas na yon at nako, naging sobrang status symbol (or pang mga feeling at SC (social climbers) lang yon... sus. kala mo naman araw2 nasa Sbux at kala mo naman isang rack ung Havs nila.. ako nga walang Havs eh, para san pa? pare-pareho lang yan...TSINELAS din yan. napilitan nga lang ako bumili ng imported na tsinelas nung papunta kaming Bora eh..

so going back, andaming mga fan sites don, nakakatuwa, mga Yeng Constantino, Anne Curtis, KC Conception, meron nga Paolo Contis at Allyssa Alano eh.. wahehehe.... pero ewan ko ba, meron si DingDong Dantes don.. okay, im not a fan, let me just clear that.. pero there's something in his page that kept me browsing through it for a good couple of minutes... hahaha...

ang maganda dun sa page niya, siya talaga nag-uupdate.. parang nagkaron tuloy ako (or any other fan) na magpeek into his real life, behind the camera..

sus.. magsawa ka sa Iloveyou Baby captions nia at Iloveyou more K sa mga pictures nila ni Karylle.. haha.. okay, so sila pa pala? grabeh, sobrang tagal na nila at solid yung relationship nila infairness.. hahaha

pero dun sa official account niya (hehe, yep, talagang mega click ako sa kung san-san na link, then i landed sa official account niya!) i found out na Jose Sixto Gonzales Dantes pala real name nia at may folder talaga sila ni Marian Rivera (leading lady nia).. so i grabbed a couple of Wacky Pics of both kasi un naman ang worth blogging eh.. hahaha..





















Okay and for the FINALE.. of course i have to grab his sexiest image sa recent Bench Body pictorial na.. it caused quite a stir sa industry, kasi nga DINGDONG, ang laki mo na... BINATA KA NA...hahahahaha!

ang hot ah?! sabihin mo saking mali ako?! ahahaha...katuwa magbrowse ng mga pages ng mga artista! hahaha!


Diet is DIE with a T

okay.. so i gained about 10 pounds.. whats the deal?

haha.. what's the deal? well, sobrang taba mo lang naman diane, that's the deal.

really cant diet! as my title says, DIET is DIE with a T....

pero ngayong june, kelangan ko na magstart maglose weight..so i bought this diet pills, Xando Block and Burn. Ive tried this before na and it really works! Kaya lang di ko sya natuloy kasi napaka-expensive niya! (P3,500php)... may free trial pa ng Xando Tummy, kaso 5 tablets lang.. pero ok narin yon! mga 2500php yata yung Tummy eh...

Ive tried Xenical narin pero i dont like the effects... (you excrete the oils in random hours of the day, mind you, hindi lang sa bowel movement mo, kahit kelan nia gusto lumabas, lalabas siya, isipin mo yung hassle non?!)

hopefully, maging ok naman yung use ko nitong Xando. Ive lost an inch na nga off my waste within a week of use... siguro kasi nagbawas narin ako ng rice.. naman.. parang sa mahal ba naman kasi nitong gamot, maiisip mo kelangan mo din samahan ng proper diet...

pero di ko talaga maalis sa bisyo ko ang chocolates... yun lang talaga... tsk..
di naman ako nagsosoftdrinks, pero malakas din ako sa instant noodles! waaaa... carb carb carb carb.. tas antamad ko pa, tas stuck lang ako dito sa hauz! ayy nako! ewan!

Goodbye SAMBA
Goodbye Macademia YanYan and Something Chocolate...
Goodbye Ferrero, Tudor Truffles, Dove, Toblerone..
NOT!

Tuesday, June 3, 2008

Fiction Story ni Diane: Online Buddies

ONLINE BUDDIES

Buzz!

Ezra Loco: Hey, still remember me?

DEDSIDIANE SAEMO: ASL mo nga?

Ezra Loco: Ayy, kinalimutan na ko. 19/m/mla. Taga perps mla ako remember?

DEDSIDIANE SAEMO: ayy, right, ikaw pala ung me hikaw sa kilay right?!

Ezra Loco: yup. That’s me!

DEDSIDIANE SAEMO: long time no chat ah?

Ezra Loco: oo nga eh, tandaan ko pa, me matinding prob ka pa non huli tayo nagchat. Musta ka na?

DEDSIDIANE SAEMO: ok na ako. I found an easy way out.

Ezra Loco: Ahh, mabuti naman. Ni hindi ko nga alam ano prob mo non. Me cam ka? Paview ka naman!

DEDSIDIANE SAEMO: ha.. ahh ehh maya nalang ako mag cam may inaayos pa ako eh.

***

Mahigit anim na buwan nang hindi nagkakausap ang mag-online buddies na si Ezra at si Diane. Naging busy na si Ezra sa work niya bilang Hotel Crew ng Dusit Hotel at matagal na siyang walang balita kay Diane.

Laking gulat nalang niya ng machempuhan nia si Diane na “Available” sa Yahoo Messenger list nia.

***

Ezra Loco: Alam mo, namiss kita?

DEDSIDIANESAEMO: haha. Talaga? Oo nga ako din, kaw talaga. Kwentuhan mo nga ako?!

Ezra Loco: alin, yung favorite mo paring original horror stories ko?

DEDSIDIANE SAEMO: sige pwede un!

Ezra Loco: hehe, paview ka muna!

DEDSIDIANE SAEMO: ganon? Mamaya na nga…..

Ezra Loco: Maiba lang, alam mo ayoko lang takutin ka. Pero pag nagpapaview ka saken , me mga nakikita ako……………

DEDSIDIANE SAEMO: sabi na nga ba eh……….kaya pala minsan kinoclose mo bigla cam ko?

Ezra Loco: oo dati kasi, nakakita ako bigla ng batang babae sa likod mo.. akala ko sister mo… naalala ko wala ka kapatid.. pucha. Nagulat ako tumagos sa pader sa likod mo! Tangina, kinilabutan ako!

DEDSIDIANE SAEMO: oi! Loko to, tumataas balahibo ko!

Ezra Loco: sorry ha, kelangan ko lang talaga ikwento to ngayon….. minsan naman, sabi mo BRB… naiwan lang cam mo nakabukas.. nakita ko rocking chair mo gumagalaw… punyeta gulat ako biglang may umupong matandang naka-itim!!

DEDSIDIANE SAEMO: waaaaaaa! Eh sa lola ko yung rocking chair! Baka siya yon…

Ezra Loco: kaya minsan ayaw na kita iview, kung ano-ano nakikita ko…

DEDSIDIANE SAEMO: eh bat gusto mo ako iview ngayon?

Ezra Loco: kasi nga, miss na kita! Ilang months na kita di maview noh?! Nagalala nga ako kasi may na news na kapangalan mo, di ko lang sure kasi ung surname mo.. basta Diane daw… taga Las Pinas…. Nagsuicide sa harap ng computer….

Ezra Loco: Diane?Still there?

BUZz!

Buzz!

Buzz!

DEDSIDIANESAEMO HAVE INVITED YOU TO VIEW HER WEBCAM

Your invitation to view your webcam was accepted!

Receiving Images

Broadcasting…… 1 Viewer (s)

***

Halos mahulog sa silya si Ezra ng makita kung ano ang nasa screen nia… isang babae ang nakabigti sa harap ng camera..duguan ang bibig, maputla ang mukha, halos lumuwa na ang mata dahil sa ilang oras na itong patay. Isang babaeng pamilyar sa kanya, isang naturingang online buddy ni Ezra, ang multo ni Diane. Naghahanap ng mga kaibigang makakasaksi muli ng ginawa niyang pagpapakamatay sa harap ng web cam.

END.

Monday, June 2, 2008

Veronica Mars Back on ETC ch21!

Whoah?!! I was super duper over mega to the 107th floor high and ecstatic when i found out the they're rerunning Season 3 of Veronica Mars at ETC21 (seen it Mondays 9am nga ba or 10am?)

sobrang tulo laway ako nung nakita ko na naman si Logan Echols my loves! waa! sobrang naiiyak ako sa saya (may DVD naman ako non, pero iba paren feeling ng sa TV mo siya napapanuod at alam mong marami kang kasabay na nanunuod non!)

OMFG! i super duper love her.... and i was also sooooooooooo sad to find out that the next season was already cancelled by CW Network..

although a quick Wikipedia search showed that Kristin Bell and Rob Thomas (Creator of V MArs) are already talking about future projects after this show:

Though talks about a new series had been reported between Rob Thomas and Kristen Bell and The CW's Dawn Ostroff, it was unclear if this would be related to Mars or not.

Thomas has stated that he is interested in writing a feature film based on the series, in the interests of providing closure to the storylines and character arcs. He also created a trailer that takes place some time after the third season ends, with the working title "Veronica in the FBI". It has been released on the Veronica Mars third season DVD.

In addition to the feature-film possibility, there have been talks of a Veronica Mars comic book series in the vein of Joss Whedon's Buffy Season Eight.

*****

okay.. so Veronica MArs is dead (quoted from Dawn Ostroff, CW). She's been busy with appearances in Heroes and guess what? where else?

OMFG! SHE'S THE VOICE BEHIND THE NARRATIONS OF GOSSIP GIRL! KAYA PALA I HAVE THIS SPECIAL ATTACHMENT TO THAT LINE, YOU KNOW YOU LOVE ME, XOXO, GOSSIP GIRL, DAMN SI KRISTIN BELL DIN PALA UN?! LOVE HER, TIMES 100!

eto pinakamalufet!

Breakout Beyond - A Veronica Mars and Prison Break convention on July 13-15, 2008, in London !!!!!!!!! (two of my most favorite serialized TV drama!). Kristin Bell and Jason Dohring (Logan Echolls) are confirmed to come! si Wentworth (Michael Scofield of Prison Break) kaya, punta din?

Well, im just so happy that they're rerunning the show! i'd probably post videos from youtube. hehehe.!

As random as you can get: Gimik (again), TS, Zombies, Dreams!

OMFG. Ang tagal ko na yatang hindi nagblog, sobrang dami ko nang gusto iblog pero ewan… parang natamad akong mag-blog….haha..

What I did last week..

NAGCHAT. NAGCHAT. NAGCHAT.
UNTIL 5AM.. UNTIL MAY ARAW NA.

DIANE=ADIK sa CHAT.


SATURATED SATURDAY
morning, i had a meeting with my editorial board. as usual, talked about the game plan for the freshmen orientation and finalized the budget proposal for this year. whoah?! for a moment i sounded so professional huh? hehehe.. anyway.. moving on..

after the meeting, I went to Western Union to get my allowance from Mama.. hasos, lalong sumaket ulo ko, super daming tao tas sira aircon! grabeh! amoy pawis kaming lahat! kahilo, lahat ng kasabay ko dun, puro magpapadala sa M Lhuillier sa mga probinsya nila! ako lang ata kukuha ng pera from 'Tate eh.. shet... kahilo...


muntik pa ako mabadtrip, kesho, di daw valid ngayong summer yung ID ko kasi walang pasok, sabi ko, "Ma'am iba po ang highschool sa college, kahit summer po may pasok kami, saka kakaenroll ko lang, tignan mo ung sticker kaka-validate lang ng ID ko!" pero in the end nakuha ko ren, buti nakapaglakad pa ako pauwi...

super antok and tamad na ako, lah kasi ako tulog nga last week, eh etong si DJ, namimilit naman pumunta ulet sa Alchemy, guestlist kasi kame ulet. eh talaga namang natatamad na ako...

actually, diba namili ako ng new clothes and sayang naman kung di ko masuot sa pag gimik-gimik.. kaso i was just not in the mood that night. pero ayon, natuloy paren, nagkagulo pa nga sila ewan ko ba dun... basta, kasama namen mga ka-org ni DJ... grab ko nalang photos sa cam ni shyne...

shit, panira yata bangs ko ah?!

mejo okay naman ang saturday night sa Alchemy, pero naman, mga 11.30pm na wala paring nagsasayaw... haha.. gara... gustong-gusto na namin simulan pero inuman muna nga! haha.. ampanget din naman ng music... pero grabeh, i had a hell of a night nun! sumaket nga bewang ko literal sa sobrang pagsayaw, cool din ni shyne hehehe.. simple pero tamang malande sa dance floor.. i like her... hehe...

at haller, nakasayaw namen si Wacky, in fernez gumgwapo na siya sa paningen ko.. pero nagkaconflict naren sila ni DJ! waahhaha! sapak talaga tong Wacky nato eh... haha

DJ: Wacky, pwde pa bang humabol sa guestlist yung ibang friends ko? baka sumunod nalang sila?

Wacky: Pwede mamaya ka na magtxt? badtrip ako ngayon, ang kulit mo eh. pwede mamaya nalang?

wahahah! kundi ba naman abnoy at kalahati to?!!

sabi nga ni DJ, pag pasensyahan ko na, napapakinabangan naman daw namen.. heheh.. fine...

SUNNY SUNDAYS (or sakit ulo sunday)
Ahhhh! sakit ng ulo ko! i slept at around 5 in the morning (what's new?!) and Adrian called me up 10.30... grabeh, super sakit ng ulo ko! puntahan nia daw ako ng noon, sabi ko sige... sabay zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...

nagising ako ng 12.30 walang kaen-kaen, ligo na agad and make-up.. sus.. one hour na palang nasa sala si Adrian! di man lang nagsasabi, nanuod lang sila ng NBA ni tito steve.. weird.. bonding moments ba ito?

pagpunta naming SM, punta kaming National Bookstore, ang bibilhin ko lang isang notebook (para sa 2 subjects ko) at anim na signpen.. at nako, box office sa takilya ang pila, kaya wag nalang! tutal saturday pa naman pasok ko eh....

so naupo lang ako dun sa mga kid's books sa gitna ng bookstore and i happen to grab this book.. haha.. funny kasi naligaw sya sa children's books...


i took some of the scary images from the book... kasi nga, i have this special facination about zombies eh...

ang cool neto noh? maraming mga lectures for graphic designing using softwares ung book kaya cool siya sa mga marunong magillustrate jan?!!

haha.. cool talaga ng images don, especially ung purple mananaggal! haha..
sinamahan ko si Adrian magbasketball sa grounds at cute ung nagbabantay, nayabangan yata ke Ad kea pinakitaan siya eh, wahehe si Ad naman kasi ang yabang!

so ayon, ok naman... pag-uwi namin, inayos na namin resume ni Adrian, kasi babalik siya dun sa Recruitment Agency nia.. nako, kainis! sa Batangas siya ineendorse! tanginang yan! ang layo... goodluck..

DREAM/S
i had a hell of a dream that night...nakakatawa sobra! nag job interview daw ako sa Ogilvy, only to inform me na hindi na nila ako tatanggapin. kasi daw narinig nila ako kausap ung isang friend ko na sinabi ko daw,
"hindi ko naman to gagawin for the school eh, para to sa family ko"

haha.. weird.. yun ang dahilan bakit di na ako tinanggap.. so mega explain ako, alam ko walang sense yung dream pero eto sabi ko..
"ma'am kung ano po narinig nio, sobrang hindi un ang buong picture... kaya ko lang naman sinabi yun kasi blah blah blah (nakalimutan ko na)"

plus crylaloo ever ang lola mo... katuwa! ang nakakatawa don, testing lang pala yun kung gaano ko kagusto maging trainee ng Ogilvy.. haha.. in the end, tanggap naman pala ako! ahahaha! tas sabi nung nag-interview saken, off na kami ni Ms. Malyn (Molina, soon to be boss ko) ng 7pm.. sabay uwi nila. iwan nila akong bagong iyak! haha...sinundo ako ni Ad, naglalakad daw kami sa Makati then sabi niya sakay kami sa shuttle, nakakatawa, biglang pumunta kami sa terminal, ng ROLLERCOASTER! sumakay kaming dalawa...

nagising ako ng 3am.. haha.. pagsleeep ko, ibang dream na naman... nasa swimming pool daw kame.. comedy, kasama ko si Ad saka ung ilang highschool friends like Jim, Aldrin and Ricsyl.. haha (lage ko napapanaginipan tong tatlong mokong na to!)

biglang may shampoo ung ulo ko, sabi ni Ad, magbanlaw daw ako, sa gitna ng pool for adults and for kids, may poso, nag-igib ako... nag banlaw.... tas maya-maya sumenyas sakin si Ad after 3seconds daw drop daw ako sa ilalim ng tubig? nagtaka ako. sabay turo niya sakin sa langit, may mga BOMBs na nalalaglag! parang nageemit ng gas! so sumisid agad ako!

sa ilalim nakita ko may baby saka yung mommy niya na naka 2 piece..sobrang tagal daw namin sa ilalim ng water, di na kinaya nung mommy nung baby, una kong iniahon yung baby! second ung mommy, pag ahon ko, andaming US troops! may mga armas! pinapaahon kami.. gulat ako World War II ung setting! nasa Japan daw kami, tas binomba ng US ang Japan.. (weird!!!!!)

check out ko meanings later! Ciao! later na yung ibang random thoughts ko!!! especially about Veronica Mars!! (Kristin Bell)!