Sunday, January 13, 2008
1. Wake up very, very. very. very early.
I alarmed my phone at around 5am and as expected I forgot to enable the alarm! stupid! Buti nalang tumawag si ate madel at tinanong kung nakabihis naraw ako? Argh! With husky and bedroom voice sabi ko, “shet, ate, kagigising ko palang! Di na ko makakasabay sa DFA!”
Dali-dali akong naligo at nagbihis, at inantay si Mami Ely, tita ko na sasama sakin sa Department of Foreign Affairs.
2. Kung magpapahatid sa sasakyan, magpasabi beforehand.
Ang ibig sabihin ng beforehand, ilang araw bago ang pag-alis, hindi ilang minuto bago umalis. Ayan tuloy, wala ang driver at kahit insan kong si Kuya Henry, tulog na tulog pa. Haller, alas-6 ng umaga kaya yon…
Ayan, back to commuters na ulit! Argh! At as usual, alas-6 ng umaga, tayuan na sa bus. Naknamputs….at diyos ko, daming aksidente, me sumabit sa railings ng tulay, may nasagasaang bata! Ano ba yan! Alas-6 ng umaga?!!!
3. Pag karating sa DFA, siguraduhing pipila sa tamang linya.
Alas-siyete ng umaga, mula sa gate ng DFA hanggang sa gate ng AIMS.. isaw ang pila! Literal.. alas-7 na iyon at sa Courtesy lane kami pumila. Yun nga, yung mula sa main gate hanggang gate ng AIMS. Yung individual passport lane, sa gate 2, gilid ng DFA, ganoon din, mula sa gilid, isaw din ang pila na nagpang-abot sa AIMS…
Mga 8:00 na ng nagpapasok ang DFA, kapkap dito, check ng bag at haripas na ng takbo sa second floor para magpalista at kumuha ng number. Swak! Number ko, 168
(hala parang mall.. diba swerte daw yun sa mga Chinese?) may quota kasi sa courtesy lane, hanggang 300 persons lang.
Nakalagay sa papel ko, due to heavy influx, we will be able to accommodate you around 11 to 12 nn. Nyerrr.. 8am na yon, tas 11am pa ko maacomodate. Hay buhay!
Sumapit ang alas-10.. ayos.. number, 159 na.. malapit na ako.. at ayun!
“Diane Gervacio! Diane Gervacio!”
Dali-dali akong lumapit, excited na ko mag-thumb mark at matatakan ang aking application form nang tanungin ako….
“Sino sa inyo ang government employee?”
“Tita ko po.”
“Ha? Hindi pwede ang tita! Sa immediate family nga nagkakaproblema, sa mga pamangkin pa kaya. Naku.. dapat dun ka pumila sa individual Passport”
Ha? Ganoon. Eh pota bakit ngayon niyo lang sinabi, after 3 hours ng paghihintay!!! Saka yung mga tita ko last time, nakakuha eh kasama yung magiging manugang palang niya (si ate iya) tas ako?! Tas susmaryosep, andami nga ding nakatayo sa gilid nag-aantay ng apelyido, kumbaga mga walang number tas processed agad.. tas ako?!!!!! Waaaa… di niya ba ko nakikilala?! Argh!
Parang nagdilim paningin ko. Walang kain, walang tulog (1am na ko nakatulog) haba pila, wala pang pogi, tas ganon?! Dun daw ako pumila sa labas, ulit!!!!
Ayoko na!!!! nung pumila kami ulit sa TAMA nang pila, ayos… quota na!
3000 ang quota sa individual passports at 11.15am palang non, naka-3000 katao na.
4. Di ka pa kuntento sa katangahan ko dahil sa pagpila sa maling lane, Siguraduhin mong dala mo lahat ng requiremets.
Passport size picture, blue background, attire: with collar blouse/blazer (check!) mga six pieces para sure…
Glue
Stapler
Black Ballpen
2 Valid IDs with address (photocopied back to back)
PERA! 750Php!!!
Maganda narin kung mag-pack lunch na kasi walang alisan sa pila to, chong!
5. Matutong gumamit ng charm.
Ang byuti ko yata, pang-guardia lang.. huhuhu.. kasi nabola-bola ko guards para maglabas masok… pero nung kinausap ko na yung director dun sa mga passports nga, shet.. wa epek ang pagpapacute.. di daw talaga pwede. Kung gusto ko nalang daw, magpaskedule ako…
Ehh sa ibang tao nga, hindi sila charming eh. Ang ginagamit nilang charm, yung charm ni Roxas or dalawang Sergio Osmena. Shet.
Ang kinahantungan
Haha! May pera naman akong konti, nakanamputs, makapag-pagawa na nga lang sa agency.. ganoon pala dun sa DFA.. patayan, literal.
Blunders
Habang nakapila ako, me naririnig akong nag-uusap, sabi..
“Ayon oh, nako, ang laki ng eyebag ba! Nakakuha na ng passport! Siguro mga ala-1 pa ng madaling araw yon!”
Haha,,, ganon?! Ala-1?! Comedy.. ako nga laki eyebag wala paring passport. Akala ko nagbibiro yun. Yun pala, may mga nakausap ako, mga alas-3 sila ng madaling araw nakapila don?! Grabeh!
Eto naman, sus, lahat ng nakikita ko dun, kundi mukhang mag-jaJAPAN na bebot, puro kulay marinong lalake, walang mukhang matino. At finally, nung may nakapila sa likod ko na cutie.. at kinakausap ako, tanong-tanong kung san ako pupunta blah blah blah.. sabay sabi naman niya! Ahh.. inaayos ko kasi papel ng asawa at anak ko! Toink!
Me-asawa na pala kumag!
Andon yung me mga kasabay akong na-hold dahil may mga kapangalan, tipong wanted for murder.. nyahehe pero sa
Hayyy…
Hirap kumuha ng passport! At nabalita pa pala sa news na sandamukal talaga ang taong kumuha nung araw na yon!